PAMPALAKASAN
Regu A nanguna sa Regu B
T.PADILLA, Cebu City- Binandera ng mga naggigitingan at determinadong Regu B, matapos nilang gapiin ang Regu A sa iskor na 2-1, sa isang sagupaan para sa mga batang mamamahayag sa 2017 Regionals Schools Press Conference(RSPC), ika-11 ng Disyembre na ginanap sa Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial High School kaninang umaga.
Sa kabila ng mainit na panahon at limitadong lugar, positibong naglaro ang dalwang koponan na kapwa nagpamalas sa kanilang galing sa larangan ng sepak takraw.
Agad-agad na humataw ang Regu A at nakuha ang unang puntos ng laro ngunit hindi nagpatalo ang Regu B at nagmamadaling humabol nang magpkawala ng sunod-sunod na naglalagablab na ispike si Eduardo Subing-subing, kapitan ng pangkat na naging hudyat ng pangunguna nila sa laro at tuluyan ng nasungkit ang unang set sa iskor na 16-21.
Hindi nanghinaan ng loob ang Regu A, sa halip ay mas pinagtibay nila ang kanilang lakas at stratehiya. Umarangkada ang koponan sa nangangalit na damdamin at hindi nagpatumpik-tumpik na nagpaulan ng maiinit at sumisiklab na ispike at pasa sa malabubong na depensa ng katunggali. Nagpakitang-gilas si Harold Batuigas, spiker ng Regu A, ng mga tusong taktika at matagumpay na naagaw ang ikalawang set sa iskor na 21-19.
Sinimulan ng Regu A ang ikatlong set pero hindi nagpatalo ang Regu B at kapwa nagpapagalingan ang dalawang pangkat para makaiskor. Kitang-kita sa mukha ang pag-iinit ng laro, pag-aalab ng puso at tumtagak-tak na pawis nang maging madikit ang labanan ngunit hindi pumayag ang ikalawang koponan sa pamamagitan ng paggamit ng buong lakas, loob at stratehiya para tapusin ang laro sa iskor na 17-21 kung kaya’t nakamit nito ang matamis na tagumpay.
“Pagkakaisa, tiwala sa sarili at sa team ang sikreto namin,” ani ni Subing-subing.
Mula sa iisang grupo ang dalawang magkatunggali sa CCDCAGMNHS na binubuo ng edad 15 hanggang 16 anyos.
“Katatapos lang namin makipagsagupaan sa nakaraang Cebu City Olympics ngunit hindi kami nagtagumpay dahil hindi kami masyadong nakapag-ensayo bunga ng pagkakaroon ng limitadong lugar dahil sa konting aberya ngunit babawi na kami sa susunod, sa ngayon ay doble kayod ang aming ibibigay,” pahayag ni Rey Gonzales, pangulo ng laro na coach rin ng dalawang grupo.
Inaasahan na dadalo pa sila ng marami pang laro at torneo para mas mahasa sila at marami pang exposure.
“Ang importante ang pagkahubog ng ugali at hindi ang pagkapanalo,” dagdag ni Gonzales.
MVP: Pagpapalaganap ng Basketbol
Hindi maitatanggi na ang posibilidad na ang masidhi na damdaming ng Pilipino sa basketbol ay umabot na sa banal na antas sa pampalakasan.
Laking tuwa ng Pilipnas nang napili ito bilang isa sa mga tagapangasiwa para sa 2023 FIBA World Cup. Sa sukdulang kaligayahan, walang patumpik-tumpik at agad-agad na ibinahagi ni Manny V. Pangilinan, dating pinuno ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
“Hosting the FIBA Basketball World Cup in the Philippines, Japan, and Indonesia is good because it does spread the basketball fever around in those countries instead of concentrating it in one place,” wika ni pangilinan ayon sa Fiba’s official website.
Magkagapay na mangangasiwa ang Japan, Indonesia at Pilipinas matapos pagbawalan ang kapwa Argentina at Uruguay.
Ang tatlong bansa ay may umangkin na ang laro ay bahagi na nang sariling katangi –tangi at tanyag na kultura ng bansa.
Tinanggap na ng Pilipinas ang larong at napamahal na sa nasabing laro.
“I think it’s an event that makes all Filipino very happy and I’m sure all of the fans in Indonesia and Japan are equally happy,” ani ni Pangilinan. “As you know we are just a basketball crazy country.”



Comments
Post a Comment