BALITA
CDP sa Gothong HS Idinaos sa Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National High School (CCDCAGMNHS) ang isa sa mga kategoryang inihandog ng kasalukuyang idinaraos na Regional Schools Press Conference (RSPC) na Collaborative Desktop Publishing (CDP) sa ika-11 ng Disyembre taong 2017. Dinaluhan ni Dr. Bianito A. Dagatan, CESO V, Schools Division Superintendent ng Dibisyon ng Cebu ang naturang gawain. Inilahad ni G. Bianito Dagatan ang kahalagahan ng gawain at maging ang kahalagahan ng tungkulin ng mga mamamahayag sa pagsasakatuparan ng ASEAN Integration. Itinapos niya ang kaniyang mensahe sa paghahangad na maisasakatuparan ang mga tungkulin ng mamamahayag. “I hope we can promote what is expected of us as Campus Journalists,” ani ni G. Dagatan. Ito ay alinsunod sa tema ng RSPC para sa taong ito na “Embracing ASEAN Integration: Campus Journalists’ role in advancing inclusive education”. Nagdagdag ng kaalaman at kasanayan sina Ginoong Camillus Allego, Freeman La...



